Itinanggi nina Jane de Leon at Rob Gomez na may namamagitan sa kanilang dalawa.

Kamakailan lang kasi naging mainit na usapin ang ibinahagi na video ni Jane sa kanyang social media account kung saan kumakain siya ng ramen at dito nakitang sumilip si Rob na nasa tabi noon ng aktres.
Ayon sa aktres, “minsan na nga lang mag-upload sa Instagram, nahagip to si Rob. Di namin alam na nagka-article na kami”
Magkasama sina Jane at Rob sa Taiwan ay dahil co-stars sila sa horror film na Strange Frequencies: Haunted Hospital. (BRIGADA NEWS INTERN RAY RESPICIO)