Alex Eala, namayagpag sa Tennis Tournament sa India

Namayagpag ang Pilipinas matapos manalo ang Filipina tennis sensation na si Alex Eala sa W50 Pune 2024 Tennis Tournament sa India.

Tinalo niya ang Hungarian tennis player na si Fanny Stollá sa unang round ng singles main draw, na niraranggo sa ika-260 ng Women’s Tennis Association.

Dahil dito, magpapatuloy na si Eala sa Round of 16, ngunit hihintayin pa rin niya ang iskedyul ng kanyang susunod na laban at karibal.

Ipagpapatuloy naman ng Pinay tennis player ang kanyang pag-laro sa quarterfinals sa doubles match kasama si Darja Semenistaja ng Latvia, laban kina Jessie Aney at Lena Papadakis ng USA sa Huwebes.