Wala raw pasensya ang batikan na aktres na si Janice De Belen sa mga batang artista na hindi saulo ang kanilang mga linya.
Lalo na raw kapag hindi pa nagsisimula ang taping ay ipinapakita na sa kanya at sa iba nilang ka-trabaho ang attitude nito sa set.
Sa una, dine-deadma lang daw niya ang mga aktor pag hindi siya pinapansin o binabati.
Pero kapag nakita niyang nagkamali sa mga linyahan dahil hindi nito inaral ang kanyang script, doon niya ipinapakita ang kanyang pagka-batikan.
Ume-exit raw siya at sinasabi sa mga crew ng set na, “Dito muna ako, ha? Unahin niyo na muna iyan.’
Aniya, dumedepende raw sa attitude ng young star kung pagsasabihan ito ni Janice o hindi.
Dahil pag mabait naman raw ang artista, pinagsasabihan niya ito in a nice manner.
