NAGA CITY- 46.2% pa lamang sa 5-11 anyos na mga bata sa Camarines Sur ang bakunado laban sa COVID-19.
Ito ang nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Naga kay Provincial Officer Dr. Rey Millena. Napakababa aniya ito kaya patuloy ang paghihikayat nila sa mga LGUs na paigtingin pa ang pagbabakuna lalo na’t hindi pa tuluyang nawawala ang virus, vulnerable aniya ang mga bata lalo na ngayong boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng facemask. Ang adult na nagpa 1st booster aniya ay 15.1% at 2.3% naman sa 2nd booster dose.
Matatandan na nagbabala ang DOH Bicol sa posibilidad ng COVID surge o muli nanamang pagsirit ng mga kaso. Sinabi ni DOH-Bicol Regional Director- Dr. Ernie Vera hindi ito malayong mangyari ulit kung patuloy nang kalilimutan ang health protocols at pagpapabakuna.
Naka heightened alert ang DOH sa rehiyon matapos ang pagtaas ng kaso sa China.
Sa ngayon 12 na lamang ang aktibong kaso ng sakit sa probinsya.