Albay Veterinary Office, hinihikayat ang mga LGU na magtayo ng kanya-kanyang slaughter houses

LEGAZPI CITY – Hinihikayat ng Albay Provincial Veterinary Office ang lahat ng mga lokal na pamahalaan sa buong lalawigan na magtayo ng kanya-kanyang slaughter houses.

Ayon kay Veterinary Office head, Dr. Pancho Mella, patuloy ang kanilang ginagawang koordinasyon sa mga alkalde sa bawat bayan.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Aniya, nakikipag-usap na rin siya sa mga ito sa dahil kakaunti na lamang ang bilang ng mga bayan na walang slaughter house.

Dagdag pa ni Mella, malaki ang maitutulong ng slaughter house dahil dito mas maiinspeksyon ng mga deputized meat inspectors ang mga karne.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Sa ngayon, binigyang-diin ng tanggapan na mahalaga ito upang masigurong malinis at ligtas ang kinakatay, ibebenta at kinokonsumong karne ng baboy.