Albay Provincial Education Department, nagpaalala sa mga estudyante na sumunod sa requirements para sa financial education assistance

LEGAZPI CITY – Hinikayat ng Provincial Education Department (PED) Albay ang mga estudyante na kinakailangang alamin muna ng mga ito ang requirements para sa financial education assistance upang maiwasan ang pabalik-balik sa kanilang opisina.

Ayon kay Richard Zuñiga, head ng nabanggit na opisina, sundin lamang ang nakasaad sa requirements upang hindi magkaroon ng aberya at abala sa kanilang opisina.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

May iilan kasing estudyante ang nagrereklamo na pinapahirapan umano ito sa pagsusumite ng kanilang requirements sa nasabing opisina.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Paliwanag nito, napakasimple lamang ng kinakailangang sa requirements na dapat isumite sa ahensya upang mapadali ang pagpoparoseso ng financial education assistance kung saan kabilang sa mga hinahanap ay sumusunod: enrolled form at school ID.