Pag-atake ng mandurukot, sapul sa CCTV

Sapul sa CCTV ang pandurukot ng isang babae sa pitaka ng 65 anyos na senior sa isang tindahan sa bayan ng Aborlan.

KInilala ang nadukutan na si Jovencia Loquillano residente ng Barangay Kamuning, Puerto Princesa.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ayon sa anak nito na si Milyn Loquillano, mamimili umano ang kanyang ina nitong araw ng Linggo at nang magbayad na ito ay bago lang niya nalaman na wala na ang wallet na naglalaman ng anim na libong piso.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Sa CCTV ng Grocery store ay nadiskubre ang ginawa ng suspek kung saan dinikitan nito ang biktima bago dinukot ang pitaka na nakasilid sa sling bag.