Albay PPO, sumailalim sa deliberation para sa Best Unit Award ng PCR month 2023

LEGAZPI CITY – Nominado ang Albay Police Provincial Office (PPO) para sa Best Unit Award ng 28th Police Community Relation (PCR) Month 2023 sa Police Regional Office 5 sa Camp General Simeon Ola.

Ayon kay PPO Spokesperson PCapt. Kharren Rañola Formales, sumailalim kahapon sa deliberation ang nominees para sa nasabing parangalan.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Aniya, kusang nag-apply ang nasabing opisina sa nasabing parangal dahil tingin nila ay pasok din sa qualification.

Sa paraang ito maipapakita nila ang dedikasyon sa trabaho, pagmamalasakit sa komunidad para sa ikakaayos ng lalawigan at relasyon sa taong bayan.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Sinabi ng opisyal, ngayong nasa kritikal na sitwasyon ang mga Albayano, hindi dapat nawawala ang pagtutulungan o bayanihan ng mga tao upang mapabilis ang ginagawang rescue operation sa mga barangay.