Tropical cyclone, inaasahang tatama ngayong linggo sa India at Pakistan

INIHAYAG ng Indian weather department ang posibilidad ng pagtama ng isang malakas na bagyo sa western state ng Gujarat, India at maging sa timog na bahagi ng Pakistan.  

Pinaghahanda na ng mga local authorities ang mga residente sa mga nabanggit na lugar dahil inaasahan ang pag landfall ng bagyo na may pangalang “Biparjoy” sa darating na araw ng Huwebes.

Ayon sa India Meteorological Department, taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 125-135 kph, at pagbugsong aabot naman sa 150 kph.

Kaugnay nito, inabisuhan na rin ang mga mangingisda sa lugar na iwasan muna ang pagpapalaot hanggang sa masigurong ligtas nang bumalik sa dagat at wala nang banta ng masamang panahon.### JUMEL DELA ROSA, Reuters