Albay PED, ipinagpapatuloy ang pamimigay ng mga binhi sa mga paaralan para sa mga programang gulayan

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Albay Provincial Education Department (PED) na kanilang ipinagpapatuloy ang pamimigay ng mga binhi sa mga paaralan sa lalawigan para sa mga programang gulayan.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PED head, Cham Zuñiga, sinabi nitong layunin nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na matutong magtanim at mabigyang-kahalagahan ang pagtatanim, dahil pagkatapos ng mga araw at mamunga ang mga itinanim, magagamit din naman ang mga ito para sa kanilang pamumuhay.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa pamamagitan umano nito, maibabalik ang basic food necessities para sa mga Albayano.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Aniya, wala silang pinipiling mga paaaralan sa pamimigay ng mga binhi dahil binibigyan nila ang lahat ng mga paaralan na mayroong lugar na maaaring taniman.

Ilan sa mga binhi ng gulay na kanilang ipinamamahagi sa mga paaaralan ay petchay, talong, beans, at iba pang mga gulay.