KADIWA ng Pangulo sa Bicol kumita ng P1.2M ayon sa Palasyo

NAGA CITY- Ipinagmalaki ng Palasyo na sa loob ng dalawang araw ay umabot sa mahigit ₱1.2-milyon ang kita sa KADIWA ng Pangulo sa Pili, Camarines Sur o ang kauna-unahan sa Bicol Region.

Ayon sa Presidential Communications Office may kabuohang kita naa  ₱1,212,074. Sa nasabing halaga, ₱431,162 ay naitala sa unang araw at ₱780,912 naman sa ikalawang araw.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Una nang sinabi ni Governor Luigi Villafuerte, na sa unang araw pa lamang ay nag re-stock na ang mga magsasaka.

Bibigyang diin ni Villafuerte na nais nilang maparami pa ito sa lalawigan upang mabigyan ng malapit lugar ang mga magsasaka sa pagtitinda at tangkilikin ng mga mamimili dahil sa murang halaga.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Buo ang suporta ang Provincial Government sa Department of Agriculture upang mapataas pa ang produksyon ng iba-ibang tanim.