LEGAZPI CITY – Nakahanda umano ang lalawigan ng Albay para sa mas mataas na alert level status ng Bulkang Mayon ayon sa Pamahalaang Panlalawigan.
Sinabi ni Gov. Atty. Edcel “Grex” Lagman, ang pinakalayunin ng kaniyang tanggapan ay ang zero casualty sa lalawigan.
Ayon pa sa kanya, nakahanda ang lalawigan sa pag-aksyon sa lahat ng projection ng PHIVOLCS.
Sinabi ng gobernador na ang maganda sa sitwasyon ngayon ay extrusive eruption ang bulkan.
Ibig sabihin, kahit nasa alert level 3 status, hindi nangangahulugan na automatic itong nasa alert level.
Pinakaprayoridad pa rin ng PGA ang mga pangunahing pangangailangan ng mga tao partikular na ang tubig, kalinisan sa mga evacuation centers upang matiyak ang kanilang kalusugan lalo na ang mga bata at kababaihan.