Ordinansa na maiprioritize ang regularization ng mga volunteer teachers, aprubado na

Aprubado na sa Third at Final Reading ang ordinansa na maiprioritize ang regularization ng mga volunteer teachers sa buong lalawigan.

Sa Provincial Ordinance No. 13-2023, binibigyan ng pagkakataon ang mga kasalukuyang volunteer teachers sa buong Sorsogon na sila ang unang kukunin ng Department of Education o DepEd Sorsogon Division at City Schools Division para punuan ang mga kailangang mga guro sa probinsya.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Kapapasa palang ng nasabing ordinansa kung kaya’t magkakaroon pa ito ng Implementing Rules and Regulations o IRR.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ang nasabing ordinansa ay pinangunahan nina 2nd District Board Members Benito Doma at Juan Guysayko at 1St District Board Members Edmundo Atutubo, Ralph Walter Lubiano at John Ryan Dioneda.