LEGAZPI CITY – Inilunsad kahapon ng Malilipot Municipal Police Station ang intervention programs kasama ang Mayon evacuees na ginanap sa Malilipot Central School, Brgy III Poblacion ng nasabing bayan.
Ang aktibidad ay pinasimulan ng TESDA,sa pamumuno ni Dana May B. Sacay – SFIST Vocational School Superintendent at Dir. Ruth E. Dayawen- Albay Provincial Director sa suporta ni Dir. Archie A. Grande, TESDA V Regional Director.
Dumalo rin sa aktibidad sina Hon. Cenon B. Volante- Municipal Mayor, PCapt Milanie de Guzman, Sincletica R Buena- Principal II (MCS) and Hon. Ignacio Bobis Sr. – Brgy Captain ng Brgy Canaway.
Ang interbensyon ay magbibigay ng mga serbisyo tulad ng pagsasagawa ng mga aktibidad sa kabuhayan tulad ng paggawa ng tinapay at paggawa ng maskara; mga aktibidad sa pagpapakain; pagpapalabas ng pelikula at iba pa.
Layunin nito ay tulungan ang mga evacuees na maging produktibo habang sila ay nananatili sa evacuation center.