Posible umanong maging madilim ang buong lalawigan ng Albay o mawalan ng kuryente kung hindi pa makakahanap ng power supply ang Albay Electric Cooperative (ALECO) dahil nag-expire na ang kontrata nito, ito ang inihayag ALECO acting general manager Engr. Wilfredo Bucsit.
Aniya, matagal nang nag-expire ang power supply contract kahit pa noong panahon ng APEC.
Ito umano ang malaking problemang hinaharap ngayon ng nasabing opisina, kaya maaaring magdilim ang buong lalawigan kung hindi agad masosolusyunan.
Pinaalalahanan naman ni Bucsit ang lahat ng member-consumers ng ALECO na magbayad na ng kani-kanilang bills upang masigurong hindi mapuputulan ng kuryente.