Albay Gov. Lagman, tiniyak na tatapusin ng mga job orders at casual employees ng PGA ang kanilang kontrata

Tiniyak ng gobernador na hindi kabilang ang mga job orders at casual employees sa mga tatanggalin o iti-terminate.

Ayon kay Lagman, mananatili sila sa kani-kanilang trabaho hanggang sa matapos ang kanilang kontrata.

Read More:  24-year-old female rider dies in six-vehicle crash at Cebu City

Aniya, bilang abogado, hindi sya lalabag sa batas at kailangan sundin kung ano ang nakasulat sa pinirmahan nilang kontrata.

Sinabi niya, ang mga isyu tungkol sa pag-renew nito ay nakasalalay sa pinuno ng kani-kanilang departamento kung ang kanilang kontrata ay ire-renew sa Enero o hindi sa pamamagitan ng patas na pagtatasa sa pagtatapos ng taon.

Read More:  Classes suspended at Negros school after shooting threat spreads online

Samantala, mahigit 3,000 job orders at apat na raang mga kaswal na empleyado ang dumalo sa nasabing pagpupulong mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.