5 outstanding agricultural extension workers ng Bicol, pinarangalan bilang pioneer recipient of high value crops

Binigyan ng parangal ng Department of Agriculture (DA) Bicol ang limang outstanding Agricultural Extension Workers ng rehiyon.

Ayon sa tanggapan, nakatanggap ng P20,000 cash prizes bilang pioneer recipient ng kauna-unahang High Value Crops Achievers Awards ang Agricultural Extension Workers.

Ang awarding ay personal na pinangunahan ni Director Gerald Glenn F. Panganiban, OIC Director ng Bureau of Plant Industry at Concurrent Program Director ng National Urban and Peri-urban Agriculture and High Value Crops Development Program.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ayon kay Panganiban, ang food security ay hindi lamang responsibilidad ng Bicol o NCR kundi ng buong bansa.

Sinabi ni DA Bicol Regional Executive Director Rodel Tornilla na ang HVC Achievers Awards ay ang kauna-unahan sa bansa at ang pondo ay mula sa GAA allotment.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ito umano ay bilang pasasalamat sa mga partners ng LGU at sa pagpapatupad ng High Value Crops Development programs sa kani-kanilang munisipyo.

Ito rin ay bilang pagkilala sa dedikasyon ng mga AEW at huwarang pagganap sa paghahatid ng mga serbisyong pang-agrikultura sa ating mga karaniwang kliyente – ang mga magsasaka at ang publiko sa pangkalahatan.