Alas Pilipinas, wagi kontra Vietnam sa Sea V. League 2024

Tinalo ng Alas Pilipinas men’s team ang regional powerhouse na Vietnam sa 2024 Sea Men’s V. League.

Sa score na 25-21, 25-22, 25-23, pinatunayan ng Alas ang kanilang dedikasyon bilang mga atletang Pinoy.

Ito ang kauna-unahang panalo ng bansa sa men’s division ng torneyo na itinatag noong nakaraang taon.

Makakaharap nila ngayong araw ang defending champion na Indonesia.