Amerika, itinanggi na may kinalaman sila sa surpresang pag-atake ng Ukraine sa Russia

Itinanggi ng United States na sangkot sila sa surpresang pag-atake ng Ukraine sa Kursk region sa Russia.

Ito’y kasunod ng pahayag ni Hawkish Kremlin aide Nikolai Patrushev na kasama umano ang North Atlantic Treaty Organization at West sa pagpa-planong pag-atake ng mga sundalo ng Ukraine sa Kursk na nagsimula noong Agosto 6.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Giit ni Petrushev, hindi mangangahas ang Ukraine na lusubin ang teritoryo ng Russia kung hindi mangingialam at susuporta ang NATO at western special services.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Samantala, nagbabala naman si Russian parliamentary deputy Mikhail Sherement na ang pangingialam ng mga dayuhang bansa sa giyera ng Ukraine at Russia ay posibleng magdulot ng panibagong giyera sa buong mundo.