Christine Reyes at Marco Gumabao, binasag ang isyung hiwalay na umano sila

Tila binasag nina Christine Reyes at Marco Gumabao ang mga kumakalat na chikang hiwalay na sila.

May ilang mga netizens kasi ang tila nag-iisip na parang nagkakalabuan na ang dalawang aktor dahil wala umano si Reyes sa birthday celebration ni Gumabao.

Nag-ugat ang chismis nang magpost si Gumabao sa IG ng mga picture tungkol sa kanyang 30th birthday na wala si Reyes.

Mas lalo pang umingay ang chika nang biglang nag deactivate ng IG ang aktres.