Alas Pilipinas Men, panalo laban sa Indonesia

Matapos ang sunod-sunod na pagkatalo, nakamit na ng Alas Pilipnas ang kanilang unang panalo sa 2024 AVC Challenge Cup classification match noong Miyerkules sa Manama, Bahrain.

Ito’y matapos nilang pabagsakiin ang Indonesia sa mga iskor na 25-23, 23-25, 25-14, at 25-22.

Dahil sa panalo, pasok na Philippine team sa laban para sa ika-siyam na pwesto, kung saan makakalaban nila ang Thailand o Chinese Taipei.

Maalalang bigong makapasok ang Pilipinas sa classification phase matapos matalo sa laban nito sa China at host country na Bahrain sa Pool A action.

Photo from AVC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *