McCoy de Leon, puro babae ang pina-follow

Trending ngayon sa TikTok ang isang video kung saan tampok ang “following list” ng aktor na si McCoy de Leon sa nasabing platform.

Alam naman kasi ng karamihan na pamilyadong tao na si McCoy, kaya laking gulat ng mga netizens nang makita nila na puro babae ang fino-follow nito sa TikTok.

Nang mag-trending online ang nasabing video, mabilis namang na-private ni McCoy ang kanyang mga fino-follow, pero huli na ang lahat dahil kumalat na ang nasabing video.

Dinepensahan naman ito ng kanyang real life partner na si Elisse Joson sa isang appreciation post. 

Kalakip ng kanyang mensahe kay McCoy ang paghimok nito na maging maingat sa kung paano nila ilarawan si McCoy bilang tao.

Bagama’t nagkamali man ang kanyang partner sa mga nagawa nito noon, mananatili siyang haligi ng kanilang pamilya.

Photo via McCoy De Leon/Facebook

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *