Alamin kung bakit tayo nababagalan sa buwan ng Enero!

Ngayong February 2 na, naramdaman mo rin ba ang ginhawa dahil finally, tapos na ang Enero!

Marami ang nakapansin na tila napakahaba at matagal matapos ang unang buwan na ito ng bagong taon.

Sari saring mga memes ang na-ipost sa social media, tulad ng “January 54” na daw!

Ngunit paliwanag ng psychologist na si Dr. Raul Gana, may ganito tayong feeling dahil galing tayo sa bakasyon mula Nobyembre at sinundan naman ng Diyembre na puro holiday.

Maari aniya nakakaranas ang karamihan sa atin ng post-holiday blues dahil ang nasa mindset pa natin, hindi pa tayo nakaka-ubra sa holiday na ginanap sa nakalipas na dalawang buwan.

Dagdag pa nito, maari ring nakadagdag ang malamig na panahon, dahil nakaaapekto ang malamig na klima sa mood ng tao.

Dahil dito, mas tinatamad tayong kumilos at bumabagal ang ating pacing sa buhay. Mataas din aniya ang dopamine o “happy hormone” ng mga tao noong Disyembre dahil sa mga kasiyahan, ngunit bumaba ito nitong Enero.