Akusado sa panggagahasa sa isang 17 anyos na dalagita nadakip sa ikinasang Manhunt Charlie Operation sa bayan ng Capalonga Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Napasakamay ng pinagisang pwersa ng mga  otoridad matapos ang ikinasang manhunt Charlie operation laban sa isang lalaki  na akusado sa panggagahasa sa isang 17 anyos na dalagita

An operasyon ikinasa bandang alas 3:20 ng hapon kahapon (September 01, 2021) sa Purok 3, Brgy Itok, Capalonga, Camarines Norte.

Nagresulta ito sa pagkakadakip sa akusadong kinilala sa pangalang JAY OCHOA, 27 anyos at residente ng Purok 5, Brgy Alawihao, Daet, Camarines Norte.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Si Ochoa ay itinuturing na Rank No. 1 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Daet, Camarines Norte

Si OCHOA inaresto sa bias ng warrant of arrest sa kasong 3 (3) bilang ng paglabag sa Anti-Rape Law of 1997 na ipinabas mula sa RTC Br 5, Daet, Cam.Norte na may petsang July 27, 2021

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Ang kasong kinakaharap nito ay walang rekomendadong pyansa ang korte

Napagalaman na nangyari ang 3 beses na panggagahasa ng nabanggit na akusado  sa 17 anyos na dalagitang biktima noong December 2020, January 2021 at February 2021 sa Brgy Alawihao, Daet, Camarines Norte.  

Ang akusado nakakustodiya sa himpilan Daet MPS para sa kaukulang disposisyon