Mga indibidwal na nakunan ng video habang gumagawa ng motorcycle stunt hindi umano tauhan ng HPG at Zambales PPO

Hindi umano tauhan ng Highway Patrol Group at PNP Zambales ang dalawang indibidwal na nakuhan ng video habang gumagawa ng motorcycle stunt sa highway.

Ayon kay Provincial Highway Patrol Team Leader Pcapt. Robin Jay Fajardo, sa kanilang inisyal na imbestigasyon ay hindi myembro ng HPG ang mga ito.

Kapag HPG kasi aniya ay makikita kaagad ang pagkakakilanlan mula sa uniporme nito tulad ng pants na dapat ay may lining na pula o dilaw at mayroon ring green na reflectorized.

Read More:  Transgender woman alleges discrimination in entrance exam process at Lucena City School

Isa pa umano ay walang isyung motorcycle ang HPG Zambales sa kanilang mga tauhan kaya malabo na mula ito sa hanay.

Gayundin ang Zambales PNP, ayon kay Director Pcol. Romano Cardiňo, wala ring isyung motorsiklo sa mga pulis at wala rin silang rider na tulad ng nasa video kaya sigurado umanong hindi tauhan ng ZPPO.

Read More:  Negrense youth defies challenges, finishes among PMA’s finest

Sa kabila nito, gumugulong na ang imbestigasyon ng ZPPO at HPG para matukoy kung sino ang dalawang ito at kung saan ang eksaktong lugar sa lalawigan na sinasabing nakunan ang video.

Una rito ay ipinag-utos na ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na imbestigahan ang pangyayari at alamin kung pulis nga ba ang mga ito o hindi.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: PNP

May be an image of 2 people and text that says 'Nourish your child to become the best! SHOP NOW! Lazada Secure them during this pandemic! YummyVit Batang lamang! YummyVit'