Aktibong kaso ng Covid-19 sa Koronadal, 503 na base sa real-time update

KORONADAL CITY — PUMALO na sa 503 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Koronadal base sa real-time update ng Data Monitoring Center na may petsang Setyembre 1, 2021, alas-4 ng hapon.

Ang nasabing datus ay mas mataas sa nareport ng Department of Health o DOH na nasa 437.

Nangunguna pa rin ang Barangay Sta. Cruz sa may pinakamaraming aktibong kaso na umaabot sa 73 na sinusundan ng Barangay Zone 3 na may 64 at Morales na may 45.

Read More:  Top NPA leader killed in Surigao del Sur encounter

Sa 27 mga barangay sa Koronadal, nag-iisa lamang ang Barangay Cacub na walang kaso ng Covid-19.

Sa ipinaabot naman na impormasyon ng tanggapan, ilan pa rin sa tinitingnang rason sa tumataas na kaso ng COVID-19 ang trend sa buong bansa kung saan nagpapatuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng nagpopositibo, pag-akyat ng kaso sa mga katabing bayan kung saan nakaaapekto naman sa lungsod bilang regional center, community transmission, at ang pagiging kampante ng mga fully vaccinated na lumalaabas pa rin kahit saan dahil naniniwala ang mga ito na protektado na sila ng bakuna.

Read More:  ₱15.6-million worth of shabu seized in Davao City buy-bust operation

Sa ngayon ay mayroon pang 123 na pending RT-PCR result na hinihintay mula sa mga laboratoryo.

Patuloy namang nananawagan ang city government ng kooperasyon sa patuloy na pagsusumikap na mapababa ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.