Aktibong kaso ng COVID- 19 sa Camarines Norte bumaba na pero nananatili pa rin sa double digit

CAMARINES NORTE – Bumaba na ang mga naitatalang kaso ng Covid- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte kung ikukumpara noong nakalipas na dalawang buwan.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco nasa 14 na lang ngayon ang aktibong kaso hanggang nitong Lunes, July 24, 2023

Ang mga bayan sa lalawigan na mayroon pang aktibong kaso ay ang Daet na mayroong pito, dalawa sa Mercedes habang may tig- iisang kaso naman sa Basud, Paracale, San Vicente, Sta Elena at Talisay.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Mula Enero hanggang kahapon, umaabot na sa 290 ang mga naitalang kumpirmadong kaso ng Covid- 19 sa lalawigan kaya’t umakyat na sa kabuuang 4, 928 ang mga kaso simula noong 2020.

Sa unang anim na buwan nitong taon ay umaabot na sa 18 ang bilang ng mga nasawi kaya umakyat na ito sa kabuuang 294 na kaso o 5. 97 %.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Umaabot naman sa 4, 620 o 93. 75 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Ngayong taon, pinakamarami ang nagka Covid noong Mayo na may 185 at 77 naman noong Hunyo.

Ngayong Hulyo naman ay mayroon nang 17 tinamaan ng sakit.