Aktibong kaso ng Covid-19 pumalo na sa 39 matapos na makapagtala ng 10 bagong kaso nitong weekend

Pumalo na sa 39 ang mga aktibong kaso ng Covid-19 sa Sorsogon, ito’y matapos na makapagtala ng sampung mga bagong kaso nitong weekend.

Batay sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office (PHO) Sorsogon, limang indibidwal ang nag positio nitong Sabado na mula sa mga bayan ng GUbat, Bulan at lungsod ng Sorsogon habang kahapon naman araw ng linggo lima pa ang nadagdag sa bagong kaso na mula naman sa mga bayan ng Matnog, Gubat, at Prieto Diaz, apat naman ang mga nakarekober, dalawa mula sa bayan ng Gubat at dalawa rin mula sa Sorsogon City.

Sa kabuuan ay umaabot na sa 9,234 ang total na bilang ng mga tinamaan ng naasabing sakit sa lalawigan, nasa 8,696 ang total na bilang ng recoveries habang nananatili naman sa 499 ang death toll.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *