CDRRM Naga City, nakatakdang pulungin kaugnay ng posibleng epekto ng El Niño

NAGA CITY –Nakatakdang pulungin ni City Mayor Nelson Legacion ang City Disaster Risk Reduction Management Office at iba pang department heads para pag-usapan ang magiging epekto ng El Niño Phenomenon na ayon sa PAG-ASA ay mararamdaman sa susunod na buwan.

Maaapektuhan ang sektor ng agrikultura at supply ng tubig sa lungsod. Ito ang pagtantiya ni Legacion, kaya dapat ngayon pa lamang ay paghandaan na.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Bukod sa CDRRMO, hangad ding pulungin ni Legacion si MNWD Acting General Manager Florencio Tam  Mongoso Jr.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Sa pakikipag-usap ng alkalde sa Brigada News FM Naga sinabi nito na gusto niyang malaman sa mga opisinang ito ang mga hakbangin na gagawin tulad ng sa Metropolitan Naga Water District na ngayon ay may mga water pumping stations pang may problema at iba ay under repair pa.