Aktibong kaso ng COVID-19 sa Camarines Sur naibaba sa 157

NAGA CITY- Naibaba na sa 157 ang aktibong kaso ng COVID-19 Sa Camarines Sur nitong malayo na sa umaabot sa 1,000 noong nagkaroon ng surge.

Sa tala ng Environment, Disaster Management, and Emergency Response Office (EDMERO) nitong Lunes sa 13, 474 cumulative cases 12, 785 na ang gumaling ngunit 532 na ang nasawi. Isa na lamang ang nadagdag sa kaso kahapon.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Ang mga eksperto sa kalusugan, buo ang tiwala na sa pagdami ng nababakunahan, nababawasan ang tinatamaan ng virus.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Dr. Nathalie Lazaro, Head ng Public Health Unit na parte rin ng BMC vaccination team, sinabi nitong may sapat na supply ng bakuna kontra COVID-19 kaya magpaturok na, ang booster shot naman ay magbibigay karagdagang proteksyon.