Airport worker, patay nang higupin ng makina ng eroplano

Isang airport ground worker na nagtatrabaho sa San Antonio International Airport sa Texas ang namatay matapos siyang higupin ng makina ng eroplano.

Nangyari ang insidente matapos makalapag sa paliparan ang Delta Flight 1111 mula sa sa Los Angeles, California.

Hindi pa pinapangalanan ng mga awtoridad ang biktima habang nagpapatuloy ang malalimang imbestigasyon sa insidente.

Ayon sa Occupational Safety and Health Administration, maiiwasan sana ang insidente kung nasunod lamang ang mga safety procedures.

Ito na ang pangalawang insidenteng naitala kung saan isa rin ground crew worker ang namatay matapos higupin din ng makina ang isang ground crew worker sa Motgomery, Alabama.