Aira Villegas bigong makapasok sa final sa women’s 50kg boxing division

Nabigong makapasok sa final si Filipino boxer Aira Villegas matapos siyang talunin ng pambato ng Turkey na si Buse Naz Cakiroglu sa semifinals sa women’s 50kg boxing division via unanimous decision.

Nakuha naman ni Aira ang bronze medal para sa 50kg category sa Paris Olympics 2024.

Nagpasalamat naman si Aira sa lahat ng mga Pilipinong sumuporta sa kanya.

Ito na ang ikatlong medalya ng Pilipinas sa Paris Olympics 2024.