Agaton, bahagyang humina – Tropical Depression na lang

Ibinaba na sa Tropical Depression Level ang Agaton habang nananalasa sa area ng San Pablo Bay.

Sa Tropical Cyclone Bulletin No. 18 ng PAGASA, kaninang alas-siyete ng umaga, bahagyang humina ang taglay na hangin ng Agaton sa 55 kilometro kada oras at bugsong aabot ng 75 kilometro kada oras.

Huling namataan ang sentro nito sa coastal waters ng Tanauan, Leyte.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Nananatili namang mabagal ang galaw nito sa direksyong pa-Hilaga Hilagangkanluran.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa timog na bahagi ng Masbate (partikular sa Dimasalang, Palanas, Cataingan, Pio V. Corpuz, Esperanza, Placer, at Cawayan)

Sa Visayas, Signal No. 1 din sa Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, northeastern na bahagi ng Cebu (Daanbantayan, San Remigio, Medellin, City of Bogo, Tabogon, Borbon, Sogod, Catmon, Carmen, Danao City, Compostela, Liloan) kabilang ang Camotes Island, at eastern portion ng Bohol (Getafe, Talibon, Bien Unido, Trinidad, Ubay, San Miguel, Pres. Carlos P. Garcia, Mabini).

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Sa Mindanao, Signal No.1 sa Surigao del Norte at Dinagat Islands.