AFP, PNP at mga opisyal ng Barangay magtutulungan sa pagtataguyod ng mapayapang eleksyon sa Mayo

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Commission on Elections na wala itong nakikitang problemang panseguridad sa bayan ng Basud, Camarines Norte ngayong eleksyon.

Ayon kay Election Officer III Virgilio Veras hindi umano nito nakikitang mailalagay sa area of immediate concern ang naturang bayan sa kabila ng geographical situation nito.

Gayunman, sinabi ng opisyal na hindi umano sila magpapakakampante at gagawin ang lahat para masiguro na magiging maayos at matiwasay ang halalan.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Maliban sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police, magiging katuwang din sa pagtitiyak ng seguridad ang mga opisyal ng barangay at tanod.

Natapos na rin ang training ng mga mga gurong magsisilbing electoral board at well provided naman daw ng Comelec ang pangangailangan ng mga ito.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Sa katunayan ay mayron na umano silang transportation allowance.

Na determina na rin umano kung gaano kalayo ang mga voting centers at kung magkano ang posibleng gastos sa pag- hire ng mga tao.

Ang naturang bayan ay mayroong 29 na barangay, 196 precincts, 51 clustered precincts, 26 voting centers at 28, 107 registered voters.