Pagdaraos ng prusisyon ngayong Semana Santa sa Legazpi City, magiging posible kung maibaba sa Alert level 1 ang COVID-19 status ng lungsod

BNFM BICOL—Inihayag ni Legazpi City Mayor Noel Rosal na magkakaroon lamang ng prusisyon ngayong darating na Semana Santa kung maibababa sa Alert Level 1 ang COVID-19 status ng lungsod.

Sa isang panayam sinabi ng alkalde na sa ilalim ng kasalukuyang COVID-19 status ng Legazpi City na Alert Level 2, hindi pa rin pinahihintulutan ng LGU ang mga maramihang pagtitipon o ‘mass gatherings’ gaya ng prusisyon, alinsunod na rin sa guidelines ng Inter Agency Task Force.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Ganunpaman, maaari lamang aniyang mabago ang nasabing protocol kung magbibigay ng konsiderasyon ang IATF at maibababa sa Alert Level 1 ang Legazpi City bago ang paggunita ng Mahal na Araw.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Bago ito, kailangan munang makamit ng lungsod ang kaukulang vaccination coverage ngunit dahil component city aniya ng Albay ang Legazpi, kinakailangang hintayin nito na maabot ng mga karatig bayan ang at least 85% na vaccination coverage para maibaba ang Alert Level ng buong probinsya.##