AFP, nakahanda ang pwersa at assets sakaling i-utos na sunduin ang mga OFWs sa Lebanon

Nakahanda ang pwersa at assets ng Armed Forces of the Philippines sakaling i-utos na sunduin ang ating mga OFWs sa Lebanon.

Ito ay kasunod ng posibleng paggamit ng military planes, tulad ng C-130 na sasakyan ng mga kababayan nating naiipit ng kaguluhan ngayon sa Lebanon pauwi ng Pilipinas.

Read More:  DSWD: 15-year-old Tacloban school shooter showed discernment

Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, poprotektahan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang ating mga kababayan at itataguyod ang ating soberenya anuman ang sitwasyon o saan man ang lokasyon.

Magkagayunman, hahayaan na lamang nila ang Department of Migrant Workers, dahil ito naman ang lead agency pagdating sa ating mga OFWs.

Read More:  Ex-DPWH Chief Bonoan to testify against Martin Romualdez

Una nang sinabi ng pamahalaan na handa silang ipatupad ang mandatory repatriation ng mga Filipinos sa Lebanon saka sakaling lumala ang sitwasyon doon at itaas sa Alert Level 4 ang status sa lugar.