Estudyante, nakumpiskahan ng halos 200k na kush sa Pasay City

Arestado ang isang 17-anyos na estudyante sa isang buy-bust operation na isinagawa ng Pasay City Police Station Drug Enforcement Unit sa Giselle Park, Brgy. 146 sa Pasay City kagabi.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Nakumpiska mula kay alias Cristal ang apat na heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana o kush na may timbang na humigit-kumulang 123.2 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱184,800.00.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang CICL o Child in Conflict with the Law para sa dokumentasyon at ite-turn over sa Bahay Pag-asa para naman sa kanyang tamang disposisyon.