Isa arestado, 5 menor de edad, na-rescue sa anti-trafficking operation sa Pampanga

Arestado ang isang indidibwal na sangkot sa human trafficking sa isang entrapment operation sa Angeles City sa Pampanga kahapon.

Sa ulat ng Police Regional Office-3, nailigtas sa suspek na kinilalang si alyas “Aira” ang limang menor de edad na biktima.

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028

Naaresto ang suspek ng pinagsanib na pwersa ng Regional Anti-Trafficking in Persons Task Group 3 at Regional Women and Children Protection Desk matapos makipag negosasyon ang mga operatiba kapalit na sexual services.

Read More:  VP Sara Duterte denies Gracioso cash delivery claims

Ang mga nasagip na biktima, na pawang mga residente ng Angeles City, ay kaagad binigyan ng tulong at isinailalim sa medical examinations sa tulong ng City Social Welfare and Development Office.