AFP, naglagay ng high-tech harris radios sa Northern Luzon island outposts

Naglagay ng high-tech Harris radios ang Northern Luzon Command sa mga Naval Detachments nito sa Mavulis, Fuga, at Calayan Islands.

Ayon kay NOLCOM Commander Lt. General Fernyl Buca , ang paglalagay ng Harris Radio na may voice at data capability sa naturang mga isla ay magpapalawak sa communication capabilities ng AFP sa buong Batanes Province, bilang bahagi ng pagpapalakas ng maritime security at external defense sa Hilagang bahagi ng bansa.

Sinimulan itong ilagay noong Linggo at magtatagal hanggang ngayong araw.

Sinabi ng opisyal na ang pagbisita sa Mavulis island ay para maisguro rin ang kahandaan ng strategic military installations sa Batanes Group of Islands.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *