Ten-dash-line claim ng China, tinukoy na ugat sa tensyon sa WPS

Tinukoy ng Department of National Defense ang ten-dash-line claim ng China bilang ugat ng tensyon sa West Philippine Sea.

Sa isang pahayag, sinabi ni Defense Sec. Gilberto Teodoro na ang ten-dash-line claim ang “provocation.”

Pilit aniyang dinadala ng China ang isyu sa WPS sa mga action-drama debate para ilihis ang isipan ng mga Pilipino at International Community sa ugat ng problema sa kanilang iligal na pag-aangkin ng buong karagatan.

Sinabi ng kalihim na ginagawa ng pamahalaan ang mga kaukulang hakbang para pahupain ang tensyon sa WPS, kasabay ng pagbibgay diin na ang anumang usapan o kasunduan ay dapat naka-base sa international Law at alinsunod sa national interes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *