CAMARINES NORTE- Isasagawa na sa Sabado, Hulyo 23 ang District Election para sa pagka-Direktor ng Camarines Norte Electric Cooperative sa Sta. Elena.
Ang qualified candidates ay si Incumbent Director Melchor D. Antigua at si Mr. Sonny B. Pagao, parehong taga-Poblacion, Sta. Elena, Camarines Norte.
Ang mga qualified voters naman ay ang mga kasapi na ang membership ay naaprubahan ng Board of Directors hanggang April 23, 2022 lamang.
Kaya dapat tiyakin ng mga boboto na ang pangalan ay nakatala sa Masterlist of Members/Voters ng CANORECO na nakapaskil sa mga Barangay Hall ng distrito/bayan ng Sta. Elena.
Ayon sa naturamg kooperatiba ng kuryente hindi pinapahintulutan ang “proxy voting”.
Ang mga nakarehistro lamang sa masterlist of voters ang maaaring makaboto at importanteng magdala ng CANORECO ID o anumang VALID ID sa pagboto.
Isasagawa ang election sa nasabing araw mula 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon sa mga sumusunod na paaralan:
I. Sta. Elena Elementary School (Poblacion)
II. San Vicente Elementary School (San Pedro/San Vicente/Villa San Isidro/Kagtalaba)
III. Rizal Elementary School (Rizal)
IV. Basiad Elementary School (Basiad)
V. M. Hebrado Elementary School (San Lorenzo/Salvacion
VI. Bulala Elementary School (Bulala)
VII. Pulongguit-guit Elementary School (Pulongguit-guit)
