Hinimok ng isang advocacy group ang Department of Education (DepEd) na pagtibayin ang probisyon para sa komprehensibong training at well-developed instructional materials para tunay na masuportahan ang mga guro.
Ayon kay Philippine Business for Education (PBEd) Deputy Executive Director for Programs Hanibal Camua, hindi lamang upskilling sa pedagogical approaches ang kailangan upang mapalakas ang mga teachers, kailangan din aniya na mabigyan ang naturang sektor ng tamang mapagkukunan ng mga materials.
Giit ni Camua, mahalagang mag-invest sa professional development maging sa pagkakaroon ng kalidad na teaching resources.
Sa huli, binigyang-diin ng opisyal na nais nilang bigyang-pansin ang vital role ng mga guro sa civic awareness, at pagkalooban ang mga ito ng mapagkukunan at kaalaman sa civic education.