Full support si Pangulong Bongbong Marcos sa itinutulak ng Private Sector Advisory Council o PSAC-Agriculture Sector na pagbibigay pugay sa mga magsasaka sa bansa.
Sa pulong sa Malacañang kasama ang PSAC, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang sakripisyo ng mga magsasaka upang mabigyan ng pagkain ang mga Pilipino.
Ang Bayani ng Pilipinas Campaign ay inisyatiba ng PSAC upang itaguyod ang pagsasaka bilang isang “good way of life” at hikayatin ang mga younger generation na ituloy ang pagsasaka bilang isang propesyon.
Isa rin itong paraan upang ipagdiwang ang mga Pilipinong magsasaka at bigyan sila ng inspirasyon na ipagpatuloy at paunlarin ang kanilang gawain.
Sinabi ni Pangulong Marcos na sisikapin nilang magsimula at bumuo ng mga ideya upang mas mapalaganap ang naturang proyekto.
Nabatid na sa ilalim ng programa ng Pangulo na Presidential Assistance to Fisherfolks, Farmers and their families o PAFF, umabot na sa mahigit 900 million pesos ang naipamahaging assistance ng pamahalaan.