CAMARINES NORTE- Malaki ang ibinaba ng bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Daet matapos na maitala ang mataas na bilang ng mga pasyenteng gumaling sa sakit
Sa datus na ipinalabas ng Daet IMT sa pamamagitan ng Emergency operations center bumagal ang hawahan ng sakit nitong mga nakalipas na araw kung saan nasa 1.51% na lamang ang Average Daily attack rate ng COVID-19 sa naturang bayan
Bunsod nito, nakapagtala na lamang ng 16 active cases sa Daet as of February 10, 2022 kung saan 11 dito ay nagpositibo sa RT-PCR habang 5 ang nagpositibo sa Rapid antigen test
Umakyat naman sa 1,260 ang mga pasyenteng tuluyan ng gumaling sa sakit
Nananatili naman sa 66 ang nasawi na positibo sa COVID-19 habang 35 ang nasawi na COVID Pneumonia Suspect o probable
Ang naturang mga bilang ay mula sa 1,337 total cases at bumaba na rin sa 41 ang mga indibidwal na under monitoring ng EOC
Sa latest datus na ipinalabas ng EOC, tanging ang Brgy I na lamang ang kabilang sa mga high risk area on COVID-19 cases
Habang nasa moderate risk naman ang mga Barangay ng Camambugan, Dogongan, Calasgasan, Magang, Brgy II, V, Gahonon, at Gubat
Samantalang nasa low risk area na ngayon ang mga Barangay ng I, III, IV, VI at VIII, gayundin ang Alawihao, Borabod, Camambugan, Bibirao, Bagasbas, San Isidro, Cobangbang, Lag-On, Mambalite at Mancruz,
