Karagdagang signages ilalagay sa kahabaan ng Maharlika Highway para mabawasan ang mga aksidente

CAMARINES NORTE- Maglalagay ng karagdagang signages sa kahabaan ng maharlika Highway partikular sa Basud, Camarines Norte upang mabawasan ang bilang nga mga aksidente sa kalsada.

Ayon kay PMaj Melvin Atacador, hepe ng Basud Municipal Police Station napag usapan na umano ang bagay na ito sa Municipal Peace and Order Council meeting kung saan maglalagay ng directional signages para maging aware ang mga motorista at speed limit.

Ito umano ay popondohan upang mailagay na sa mga susunod na araw ang mga kinakailangang signages.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sa panig naman ng PNP ay tuloy- tuloy aniya ang ginagawang checkpoint para mapaalalahanan ang mga motorista lalo na sa gabi.

Kalimitan daw kasi na nangyayari ang mga aksidente sa gabi hanggang madaling araw dahil walang nagbabantay at mabilis ang takbo ng mga sasakyan.

May ilan din namang naaksidente na nasa impluwensiya ng alak.

Noon lang Martes ng gabi ay nabangga ng van ang motorsiklo na nangyari sa Barangay Bactas.

Ayon sa mga residente sa lugar galing sa tabi ng kalsada ang motorsiklo na biglang pumasok patungo sa gitna.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Nataon naman na paparating ang van na mabilis ang takbo kaya nabangga nito ang motorsiklo dahilan upang magtamo ng pinsala sa iba’t- ibang bahagi ng katawan ang driver ng huli.

Madilim din sa pinangyarihan ng aksidente at nakainom pa ang driver ng motor.

Kahapon naman ng madaling araw ay nabangga ng isang pampasaherong jeep ang isang pribadong tricycle.

Wala namang nasawi sa nabanggit na magkasunod na aksidente.