Bilang ng mga nahulihan sa election gun ban pumalo na sa mahigit 30 katao- PNP BICOL

LEGAZPI CITY – Makalipas ang isang buwan simula ng implementasyon ng election gun ban sa buong rehiyon ng Bicol noong Enero 9, 2022, ang Police Regional Office 5 kasama ang Commission on Election (COMELEC) ay nakapagtala ng tatlongpu’t walong (38) bilang ng mga naarestong indibidwal sa paglabag dito.

Batay sa datos mula sa Regional Election Monitoring Action Center (REMAC) ang mga nahuli dahil sa nasabing paglabag ay mula sa 4,043 joint checkpoints operation ng PNP/AFP at ng COMELEC.

Sa kabuoan, nakapagtala ng tatlongpu’t isang (31) insidente ng paglabag sa COMELEC Resolution No. 10741.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ito rin ay nagresulta sa kumpiskasyon ng tatlongpu’t siyam (39) na iba’t ibang uri ng mga baril at tatlong (3) patalim.

Bukod dito, pinagtuonan rin ng malaking pansin ng kapulisan ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa 361 na indibidwal na mayroong nakabinbin na mga kaso.

Kasabay ng pag ikot ng orasan at pag usad ng araw para sa nalalapit na eleksyon sa Mayo 9, 2022, ang puspusang paglulunsad ng iba’t ibang estratehiya at inisyatibo upang matiyak ang pagdaraos ng isang matapat at ligtas na halalan.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ang pagpapatupad ng COMELEC gun ban, ay magtatapos sa Hunyo 8, 2022, at ang sino mang lumabag dito ay maaaring maharap sa pagkakakulong ng isang taon hanggang anim na taon na walang probation.

Mahaharap rin ito sa dis kwalipikasyon ng panunungkulan sa kahit na anong mang posisyon sa gobyerno at mawawalan din ng karapatang bumoto sa mga halalan .

Sinabi ng tanggapan na nakahanda ang buong hanay ng KASUROG Cops upang ipatupad at tiyakin ang isang maayos, ligtas at mapayapang halalan 2022.