Active cases ng COVID-19 sa Albay bumaba ng halos 50%

BICOL—Bumaba ng halos 50% ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Albay sa nagdaang 13 araw ng buwan ng Agosto.

Base sa record, mula noong August 1 ay mayroong 688 na aktibong kaso ng sakit ang lalawigan at nagtuloy-tuloy ang pagbaba nito hanggang sa umabot sa 319 sa pinakahuling report kahapon.

Noong nakaraang Biyernes ay nasa 421 pa ito hanggang sa maitala ang pinakamataas na bilang ng recoveries noong August 8 na nasa 84 na nagpababa nang husto sa bilang ng aktibong kaso.

Read More:  Speed limit law set for activation in General Santos City

Napanatili naman ang mababang bilang ng mga nagpopositibo sa sakit kung saan nasa bottom 3 na lamang ang lalawigan sa daily cases report mula sa dating pinakamarami o di naman kaya ay ikalawa sa pinakamaraming naitalala kada araw.

Sa huling report, pito lamang ang bagong kasong nadagdag, dalawa sa bayan ng Camalig at tig-iisa ang mga bayan ng Daraga, Oas, Tiwi at mga lungsod ng Legazpi at Ligao.

Read More:  68-year-old Cebu grandfather jailed over alleged begging freed after viral story

Sa ngayon ay 5,156 ang total cases sa Albay kung saan 4,624 na nito ang mga gumaling habang 214 ang mga nasawi.

Kaugnay nito ay hindi pa rin nagkakampante ang local na pamahalaan at mga health authorities kung kaya patuloy ang paghimok sa mga Albayano na manatiling sumusunod sa minimum health standards at suportahan ang COVID-19 vaccination.### || slm