Inihayag ni Interior Secretary Benhur Abalos na si Philippine National Police (PNP) Chief Rodolfo Azurin ang nagmungkahi na magsumite ng kanilang courtesy resignations ang mga senior police officials.
Ayon kay Abalos, inilabas ni Azurin ang naturang ideya matapos itong matanong ng mga paraan para malinis ang mga PNP of personnel sa pagkakasangkot sa illegal drug trade.
Dahil dito, tinalakay umano nila ang naturang mungkahi kay Pangulong Bongbong Marcos. Una nang sinabi ng PNP chief na hindi siya makikilahok sa anumang imbestigasyon hinggil sa naturang usapin, pero sinabi ng DILF chief na hindi tinanggap ni Marcos ang resignation nito, sa halip ay itinalaga bilang pinuno ng five-man committee na mag-aassess sa 955 senior officers.
