Deped, palalakasin ang numeracy at literacy programs sa revised K to 12 program

Ipaprayuridad ng Department of Education ang pagpapaganda sa  literacy at numeracy programs, maging ang integration ng “peace competencies” sa revised K to 12 program, sa harap ng kanilang mga hakbang na gawin ang naturang programa bilang relevant sa pag- producie g job-ready, active, at responsible citizens.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Mababatid na sa Basic Education Report (BER) 2023 ni inihayag ni Vice President at Deped Secretary Sara Duterte, target ng DepEd na ma-revitalize ang kanilang Reading, Science and Technology, at Math programs bilang bahagi ng “MATATAG: Bansang Makabata, Batang Makabansa” agenda.

Kaugnay nito, babawasan di ng ahensya ang bilang ng learning areas sa K to 3 mula sa pito hanggang lima para pagtuonan ang foundational skills sa literacy at numeracy sa early grades, lalo sa mga disadvantaged students.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Binigyang diin din ng DepEd na magagandahin ang English proficiency habang kinikilala ang linguistic diversity sa pamamagitan ng pag-review sa Mother Tongue-based Multilingual Education (MTB-MLE) Policy implementation.