SORSOGON CITY – Patuloy ang Philippine Fiber Industry Development Authority (PHILFIDA) sa kanilang Abaca National Fiber Crop Survey and Mapping sa lalawigan ng Sorsogon.
Hakbang upang kanilang matukoy at malaman ang lahat ng mga fiber crop areas sa probinsya bilang bahagi na rin ng layuning mapalakas ang abaca fiber industry sa lalawigan.
Pahayag ni PHILFIDA Planning Unit Head Wellington Flores, ang nasabing proyekto ay kanilang sinimulan noong November 2021 at posibleng matapos sa buwan ng Hunyo ng kasalukuyang taon.
Una rito, kinumpirma ng opisyal na sa kanilang isinagawang survey noong taong 2009 ay humigit kumulang sa 5K mga abaca farmers ang kanilang naitala sa lalawigan kung saan kanila ding natukoy ang bayan ng Irosin bilang isa sa mga lugar sa Sorsogon na mayroong pinakamalaking taniman ng abaca plants.
PHOTO: PhilFIDA Sorsogon
